Araw na nung una kong siyang nakita, hindi ko siya masyadong pinansin kasi hindi naman ako yung tipong nag papansin sa isang tao na hindi naman eto mahalaga.
Maliit na tao morena at may itsura, pero sabi ko wala eto, marami naman ang tulad niya sa mundo bakit ko pa kailangan sumingit at mag papansin pa sa kanya.
Subalit nung araw nayun inigaw niya ang pansin ko. Isang araw nasa loob kami ng classroom, hindi ko siya kilala at hindi niya ako kilala, hindi kami nag papansinan hindi kami nag uusap pero sa araw nayun katabi ko siya sa loob ng klasrum.
Nasa pangalawa kaming linya at ako yung pangalawa sa dulo ng upuan at siya ang huli, nung oras na natapos ang pag pakikilala ko sa sarili ko at pinakita ko ang talents ko at sino ang kamukha kong celebrity, ang sabi ko ako si bitoy kamukha ko kasi si Michael V., mataba ako nung araw nayun at ang ngiti ko ala Michael V. din, nang pagkatpos ko, siya na ang umeksena.
Natulala, nagulat, na pa ngiti, ano kaya tong pakiramdam na eto, lalo ako na patulala nung oras na kumakanta siya, na pa elib ako at biglang tibok ng puso ko, na walang kadahilanan, sapagkat ako’y nag dalawang isip kung anong pakiramdam na ito.
Eto ba ang tawag na “love on first site”, marami ang naniniwala sa mga kasabihan na ganyan, pero diko alam kung maniniwala ako o hinde.
Patapos na ang oras at mag bebreak na, hindi ko parin siya kinakausap at diko pa siya pinapansin pero na alala ko nung oras nag pakilala ako sa harap nang maraming tao na alala ko ang kanyang munting ngiti, ngiti na malalaglag ang puso mo sa sobrang ganda ng ngiti niya, simpleh pero malakas ang dating.
Palabas na siya nang classroom at diko parin siya nakikilala pero kilala ko na siya kung sino siya, hindi ko naman ibig sabihin alam ko na ang pag katao niya, kilala ko siya dahil nakilala ko ang pangalan niya sa isang simpleng introduction at pag pakikilala sa harap.
Itago na lang natin ang pangalan niyang “DONISIA”.
Oras na ang labasan at palabas na siya nang rum iniisip ko kung hahabulin ko siya para makuha ang number niya or pababayaan ko na lang at darating din naman sapunto makikilala ko pa siya nang ilang buan.
Pag ka lipas nang ilang linggo eto nanaman kami, sa mga oras na eto mag kakilala na kami nag uusap at nag papansinan na, pero pakipot parin ang feelings ko sa kanya, hindi ko na pansin na ang kaibigan niya ay kaibigan ko din pala.
Na ikwento ko sa kaibigan ko na may natitipuhan ako sa loob nang classroom, at sinabi ko eto sa kanya. Ang hindi ko alam mag kakilala pala silang dalawa at na ikwento niya nga kay DONISIA na may gusto ako sa kanya.
Araw na yun na hiya na ako lumapit sa kanya at mag papansin sa kanya, dahil sa tulong ng kaibigan ko nag plano sila na mag karoon ng date sa moa, wala akong nagawa kung di sumang ayon na lng sa sinabi nila nan dun na tayo wag na natin pakawalan pa.
Nasa mall kami at lalo ko siyang nakilala at lalo niya akong nakilala, ang sabi niya funny daw ako, very entertain person and simple but unique.
Na touch ako sa sinabi niya hindi ko alam kung binobola niya lang ako, o totoo ang sinasabi niya, pero ayus na sa akin yun na narinig ko ang side niya towards to me.
Pag katapos nang tatlong linggo umakyat na ako ng ligaw sa kanya, harap harapan pa mismo sa kaibigan niya at sa kaibigan ko. Maraming pag kakataon na dapat hindi mo dapat palagpasin, natatakot ako nung araw na yun baka ma busted ako sa harap harapan ng kaibigan ko at sa kaibigan niya ngunit, hindi naman ako na busted hindi naman ako na pahiya kung di ang sabi niya hintayin mo sagot ko mamayang gabi.
Napag tanto ko na ano kaya ang magiging sagot niya sa tanong ko, ito ba positibo o negotibo, kinakabahan, pinag papawisan hindi mapakali. Text ako ng text sa kanya nang, kumain kana? Musta ka na? baby I love you? Ang cheesy? Oo! Pero ganun talaga pag nag liligawan factors pa kayo.
Hindi siya nag rereply, napaisip tuloy ako, kung busted ba ako o hinde, o siguro nag iisip parin siya. Nag hantay ako ng ilang oras para lang sa sagot niya hangang sa naka tulog na ako. Biglang nag vibrate ang cellphone ko, at alas dose na nang hating gabing yun.
Na received ko ang text niya, at kinakabahan kung ano ang sagot niya, at kung anu ang magiging sagot niya. Binuksan ko ang messages ko at pumunta ako sa inbox ko, nakita ko ang pangalan niya subalit hindi ko pa mabasa ang text niya, pinindot ko at binuksan ko ang message niya, ang bilis nang pag tibok ng puso ko hindi mapakali, lalo ako nagising kasi gabi na yun at mag uumaga na. pinag papawisan ako at di ako mapakali.
Pag ka bukas ko nang inbox ko at nakita ko ang reply niya, eto ang tumumbag sa akin one word with letter “S” is it possible “SORRY or YES” you guess? Ano kaya ang reply niya sa akin?